Noon pa man ay lagi nang pignagkakaitan ng tadhana si Juan. Nung magsabog ata ng swerte and Diyos ay nasalo lahat ni Sam.
JUAN-Noong unang panahon may isang aswang na umubig sa isang mortal. Marami ang tutol sa pag-iibigan ng dalawa. Ngunit labis nilang mahal ang isa't isa kaya't sila ay nagpakalayo at namuhay ng magkasama. Dahil sa pagmamahalan ng dalawa si Juan ay isinalang. Di naglaon ay pumanaw ang aswang naiwan si Juan sa kanyang nanay na mortal. Si Juan ay lumaki na may takot sa Diyos at respeto sa kapwa.
SAM-Sa kabilang dako ng daigdig may dalawang mayamang magkasintahan ang ikinasal sina Amer at Rica. Sila ay nabiyayaan ng isang anak na tinawag nilang Sam. Bagamat sagana sa materyal na bagay at hindi kinakapos si Sam ay isang pilyo at pala away na bata. Lumaki sya na walang kinatatakutan maging mga matatanda at bata ay kanyang pinaglalaruan.
JUAN-Hindi sapat ang edukasyon na binigay kay Juan kayat sya ay nagnais na pagibayuhin ang kanyang kaalaman. Siya ay naglayag papunta sa mundo ng kawalan para punan ang hindi sapat na kaalaman.
SAM-Ang pinaka-mahuhusay na kaalaman ay napunta ki Sam. Dumating ang araw na hindi nya na alam kung saan ilalagay ang kanyang kaalaman kayat siya ay nag-experimento at nuyurakan ang sangkatauhan.
Minsan magkita sina Juan at Sam. Sa unang pagkikita ninais ni Sam na sakupin ang utak ni Juan gamit ang kanyang mga kaalaman. Sa kabilang banda, dahil sa kakulangan ng kaalaman, pumayag si Juan na sakupin ni Sam. Ang resulta halo-halong gulo at sagabal sa buhay.
Isipin nyo, panu kung sapat ang kaalaman ni Juan papayag kaya sya na sakupin ang kanyang isip? Anu kayang nangyari kung hindi pumayag na magpasakop si Juan? Kawawang Juan sunod sunuran kay Sam.
Thursday, April 23, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment