Urban Adobo Supports

Re-elect Kabataan Partylist! Ipagpatuloy ang Magandang Simula!

Tuesday, February 24, 2009

Kapag

Kapag nalulugkot pwede kang sumimangot

‘wag ka lang mangungurakot

Kapag hikahos ‘wag mandukot

Kapag tinitawag ika’y magpaliwanag

piliting ilagay ang sarili sa liwanag

Kapag gipit ‘wag magpumilit dahil siguradong ika’y mangungupit

Kapag gutom ang kaisipan

maglakad at punan ng kaalaman

Kung may gusto mag-aral ‘wag pagkaitan

ibahagi ang libro, talino at kaalaman

Kapag hindi pantay ang pagtingin sa tao

tumayo at magpakatao

Kapag may palalo ‘wag magpapaloko

gawin ang lahat para sila’y matalo

Kapag nawawala sa daan

Hanapin sya, humingi ng gabay para maliwanagan.

No comments:

Post a Comment